Bagong Taon Bagong Pagasa Essay Writer

NAKAGAWIAN na natin – na kapag nagpapalit ang taon, sikat na naririnig ang  tanong at katagang: Ano ang New Year’s Resolution mo?

Sa totoo lang, paparating pa lang ang Bagong Taon, natanong na ang inyong lingkod ukol dito ng ilang beses ng mga nakakikilala sa akin.

Pangkaraniwang sagot  natin ay baguhin ang maling ugali at gawain.

Oo nga’t tayo’y may mga new year’s resolution, pero ang tanong – ito ba nama’y naisasagawa at naisasakatuparan natin?

Maaari – tinutupad natin ang ilan sa new year’s resolutions, pero ang karamihan – sinabi ngayon pero kinalilimutan pagkatapos.

‘Yan ang ugaling mali na dapat nang mabago kung nais nina Mang Juan at Aling Maria na mabago ang kanilang buhay.

Kung ang new year’s resolution mo ay ang baguhin ang sobra mong katamaran, dapat ay pangatawanan mo –  magsipag ka.

Pasensya na pero ito ang katotohanan – ang katamaran ay ilan lang sa masasamang ugali – aminin natin – kaya ‘di tayo umuunlad.

Sa ibang bansa – lalo na sa mga mauunlad ngayong nasyon, katulad ng Japan, Canada at Australia – walang ‘Juan Tamad.’

Kung may mga new year’s resolution ang mga Hapon, Canadian at Australian – ito ay ang pagtulong na lang ang nasa isip.

Kasi sila’y may mga pera, resulta ito ng kanilang pagiging masipag kaya lalong yumayabong ang kanilang buhay.

Ano ba ang ipinagkaiba nila sa mga Pinoy?

Wala. Magkakatulad tayong tao sa mundo na pagdating ng araw ay mamamahinga rin.

Kung nais nating umunlad, gawin natin silang modelo sa ating buhay.

Kailangan ay gumawa tayo ng tama at nararapat.

‘Di natin nilalahat ang Juan dela Cruz at Maria dela Cruz ay tamad.

Marami rin sa ating mga Pinoy ay masisikap at masisipag.

Pero ang ‘di natin maitatatwa – mas maraming ‘Juan Tamad’ kaya ‘di natin katulad sina
Harimoto, Baldwin at Jones.

Huwag tayong magdepende sa kasabihang “Bagong Taon, Bagong Pag-asa” na malimit din nating naririnig kapag Bagong Taon.

Kailangan nito ang kaakibat na pagkilos para makamit ang hinahanap nating pag-asa kapag sumasapit ang Bagong Taon.




BAGONG TAON NA BUKAS!

 

Karamihan sa atin ay may kanya-kanyang tradisyon

tuwing sasapit ang bagong taon.

 

Nandyan yung:

  • Magsusuot ng polka dotsna sumisimbulo sa barya.
  • Tatalon ng ilang beses para tumangkad.
  • Magbubukas ng bintana pagpatak ng 12 para pumasok ang grasya.
  • Maghahain ng malalagkit na pagkain para dumikit ang swerte.
  • Mag-i-ingay, magpapaputok, bubusina, magtotorotot para itaboy ang malas.

 

Wala namang masama sumunod sa tradisyon

pero sa likod ng lahat ng ito,

kailangan natin ma-realize na

balewala ang mga ito kung hindi tayo kikilos.

 

Ang mahirap pa nito, kakasunod natin,

nakakalimutan na nating magsipag at

gamitin ang ating kakayahan at isip

dahil nakaasa lang tayo dito.

 

Ano ba ang dapat nating tandaan?

AANHIN ANG POLKA DOTS, KUNG TATAMAD-TAMAD?

(Photo from this Link)

Papaano tayo magkakaroon ng barya o

pera in general kung

hindi naman tayo kumikilos?

 

Nakahilata magdamag.

Nakaasa sa mga magulang at kapatid.

Naghihintay may malaglag na biyaya.

 

Kahit pa mag-polka dots

mula ulo hanggang paa,

hindi natin ito makakamit

ng hindi kumakayod at

tumatayo sa sarili nating mga paa.

 

AANHIN ANG PAGKAING MALAGKIT, KUNG ANG KAPALARAN AY NASA KAMAY NG PANGINOON?

(Photo from this Link)

Sabi ng iba, kailangan ng malagkit

para dumikit ang swerte.

Kaso ang kapalaran,

wala naman sa pagkain iyan.

Alam n’yo kung nasa’n?

 

Nasa kamay ng Panginoon.

 

Lahat ng nangyayari sa ating buhay

ay pinlano Niya na naaayon sa

kung ano ang dapat at kung ito ba

ay tamang orasna para ibigay sa atin.

 

“Eh bakit siya, ang ganda na ng buhay nya?”

“Alam ko naghanda sya ng malagkit eh.”

 

Nangyari iyon hindi dahil sa naghain siya

ng sandamakmak na pampaswerte

kundi dahil TAMANG PANAHON na.

 

Kung hindi pa nangyayari,

then hindi pa yun ang time natin.

Hintay hintay lang.

Gawin lang ang nararapat.

Makakamit din natin iyon

in His perfect time.

 

AANHIN ANG TOROTOT AT IBA PANG PAMPAINGAY, KUNG WALA NAMAN TALAGANG ‘MALAS’?

(Photo from this Link)

Wala namang taong malas.

 

“Ano ka, lubog ako sa utang noh!”

“Natanggal ako sa trabaho.”

“Hina-hunting na ‘ko ng naniningil.”

“Nalugi business ko.”

 

“…hindi ba malas yan???”

 

Kapatid, hindi malas ang tawag diyan.

Nagkataon lang.

Baka may nagawa tayo o

hindi pa nagagawa para maiwasan ito.

 

  • Maaring nalubog sa utang dahil unli swipe sa card.
  • Natanggal sa trabaho dahil laging late o absent.
  • Hinahanap ng naniningil dahil imbis na magpaliwanag, ay nagtatago pa.
  • Nalugi ang business baka dahil hindi napag-aralan mabuti.

 

Try to consider the story behind it.

Once na alam na natin ang dahilan,

mas magiging maluwag sa atin na

tanggapinkung bakit ito nangyayari.

 

Mas mauunawaan din natin na

hindi pala malas ang tawag

kundi ARALpala ang mapupulot.

 

Ang ating kapalaran ay nakasalalay sa ating determinasyon, kasipagan,

at tiwala sa Maykapal.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang tradisyon n’yo ‘pag bagong taon?
  • Bakit mo ito ginagawa?
  • Umaasa ka lang ba dito o sinasabayan ng sipag at tiyaga?

=====================================================

HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS

All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)

To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE

=====================================================

#IPONPAMORE: Hit your Financial Goal this 2018!

January 20, 2018 

1:30-6:00 pm

Victory Greenhills Center, 4F VMall Shopping Center

P500 with FREE book

Register here: https://shop.chinkeetan.com/product/ipon-pa-more/ 

Read More


Submit a Comment



Filed Under: Gratitude, Inspirational, Motivational, ProductivityTagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Categories: 1

0 Replies to “Bagong Taon Bagong Pagasa Essay Writer”

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *